Parish Activity
Dalaw Nazareno 2026: Talatakdaan ng Gawain | Maysan, Valenzuela

Mula Setyembre 24 hanggang 28, 2026, tatanggapin ng Our Lady of the Holy Rosary Parish ang Mahal na Poong Jesus Nazareno para sa limang araw ng Misa, prusisyon, at debosyon ng komunidad. Nasa ibaba ang buong programa para sa pagdalaw.
Setyembre 24, 2026 (Huwebes)
10:00 am – Pagsundo sa Imahen ng Poong Jesus Nazareno sa Quiapo Church
11:00 am – Pagdating sa CDO Chapel
2:00 pm – Banal na Misa
Mga Tagapagdiwang ng Misa:
Fr. Prospero Tenorio, Kura Paroko – Our Lady of the Holy Rosary Parish
Fr. Sean Tiongson, Paroko Bikaryo – Our Lady of the Holy Rosary Parish
Fr. Nap Baltazar, Kura Paroko – Sto. Cristo Parish
Fr. Ramon Bong Sabangan, Paroko Bikaryo – Sto. Cristo Parish
Fr. Francis Joel Cruz, Paroko Bikaryo – San Isidro Labrador Parish
Fr. Mark Gil Yongco, OFM – Basilica Minore De San Pedro Bautista
Fr. Jayson Besa
4:00 pm – Motorcade ng Imahen patungong Simbahan ng OLHRP Parish
Ruta: CDO – Service Road – Hiyas – Parada Road – G. Marcelo – OLHRP
5:00 pm – Rito ng Pagtanggap sa Imahen ng Poong Jesus Nazareno
6:00 pm – Banal na Misa | Fr. Sean Tiongson & Fr. Prospero Tenorio
Setyembre 25, 2026 (Biyernes)
6:00 am – Banal na Misa
8:00 am – Pagdalaw ng Mahal na Poong Jesus Nazareno sa Canumay East 3S
Ruta: OLHRP – G. Marcelo Street – Parada Road – Fortune Drive – Service Road (CDO) – Paso De Blas Road – East Service Road – T. Pablo Street – Trinidad Street – Canumay East 3S Center
10:00 am – Banal na Misa sa Canumay East Chapel | Fr. Prospero Tenorio
3:00 pm – Motorcade ng Mahal na Poong Jesus Nazareno mula Canumay East Chapel pabalik ng Parokya
Ruta: Canumay East Chapel – Bonifacio Street – East Service Road – Paso De Blas Road – West Service Road (CDO) – Fortune Drive – Parada Road – G. Marcelo Street – OLHRP
Setyembre 26, 2026 (Sabado)
6:00 am – Banal na Misa
8:00 am – Rekoleksyon: "Deboto at Panata, Pananampalatayang Isinasabuhay" | Bro. Ian Revilleza
11:00 am – Banal na Misa | Fr. Jayson Besa
6:00 pm – Banal na Misa (Anticipated)
Setyembre 27, 2026 (Linggo)
5:30 am – Banal na Misa
7:00 am – Banal na Misa
8:30 am – Banal na Misa
10:00 am – Banal na Misa at Pagbebendisyon ng Replica ng Nazareno sa ating Parokya | Rev. Fr. Richard Anthony Lim, Paroko Bikaryo – Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno, St. John the Baptist Church, Quiapo, Maynila
12:00 pm – Binyag
4:00 pm – Banal na Misa
5:30 pm – Banal na Misa
7:00 pm – Banal na Misa
May pahalik sa Mahal na Poong Jesus Nazareno pagkatapos ng bawat Misa.
Setyembre 28, 2026 (Lunes)
6:00 am – Banal na Misa
8:00 am – Pagdalaw sa tahanan ni Mr. Arnold Cabiltes
10:00 am – Banal na Misa sa ARCA
2:00 pm – Paghahatid sa Mahal na Poong Jesus Nazareno pabalik sa Quiapo Church
Panalangin sa Poong Jesus Nazareno
Katamis-tamisang Jesus Nazareno, Diyos at Manunubos ko, na naglalakbay sa Kalbaryong pasan-pasan Mo ang Krus na pagpapakuan sa Iyo. Akong abang makasalanan, na naging dahilan ng Iyong di masayod na hirap ay nagpupuri sa Iyo at nagpapasalamat, na bilang maamong Kordero ay buong hinahong tinanggap Mo sa ibabaw ng Iyong balikat ang kahoy ng Iyong kamatayan upang doon mawakasan ang aking mga kasalanan at ng sandaigdigan.
Patawarin mo ako, O Butihing Jesus; inaamin ko ang aking mga sala at ako'y nananalig na dahil sa kabutihan Mong walang kahulilip ay hugasan Mo ng Iyong Dugo. Iniibig Kita ng higit sa lahat ng bagay, ipinangangako na ako'y magiging matapat hanggang sa oras ng aking kamatayan.
Patnubayan Mo ako, Diyos ko, ng Iyong biyaya at ihatid Mo ako sa landas ng Iyong mga Utos diyan sa Iyong Langit na Kaharian. Siya nawa.
More from the parish
Parish ActivityNuestra Señora del Santisimo Rosario de Maysan | Kapistahan 2026
Ang buong programa ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo 2026 sa Our Lady of the Holy Rosary Parish, Maysan, Valenzuela City: ang iskedyul ng Nobenaryo (Oktubre 16–24), Misa Mayor at Maringal na Prusisyon…
Read
Parish News#WALANGMISA: Mga Piling SPPC | AGOSTO 30, 2026
Dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha sa ilang lugar, pansamantalang kakanselahin ang mga Banal na Misa sa ilang Chapels ng ating parokya ngayong Agosto 30, 2026 bilang pag-iingat para sa kaligtasan ng lahat…
Read