
WALANG MISA: Mga Piling SPPC | AGOSTO 30, 2026
August 29, 2026
Bagamat tuloy ang mga Banal na Misa sa ating parokya, pansamantalang kakanselahin ang mga Banal na Misa sa ilang mga kapilya ngayong Agosto 30, 2026 (Linggo) dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha sa ilang lugar, bilang pag-iingat para sa kaligtasan ng ating mga mananampalataya at mga lingkod ng Simbahan.
Mga SPPC na walang misa:
Bagbaguin
Bagong Kaunlaran
Canumay East
Valdez
Fortune 5 & 6
Paso De Blas
Mga SPPC na tuloy ang misa:
Parada
Canumay West
Hinihikayat ang lahat na mag-ingat at unahin ang kaligtasan, lalo na ang mga nasa lugar na apektado ng pagbaha at patuloy na pag-ulan.
Sa gitna ng patuloy na pag-ulan at pagbaha, sama-sama nating idulog sa Panginoon ang kaligtasan ng ating mga pamilya at pamayanan.
Inaanyayahan ang lahat na sama-samang dasalin ang sumusunod na Oratio Imperata para sa labis na pag-ulan:
Ama naming makapangyarihan,
Ikaw ang aming kanlungan at lakas.Sa gitna ng malakas na ulan at habagat,
lingapin Mo ang Iyong bayan.Patahimikin Mo ang unos,
pahupain ang tubig na umaapaw,
at ilayo sa kapahamakan
ang bawat tahanan at pamayanan.Tulad ng mga alagad na tumawag sa Iyo sa gitna ng bagyo,
kami rin ay buong tiwalang sumisigaw:“Panginoon, iligtas Mo kami!” (Mt 8:25)
Ipadama Mo ang Iyong awa sa mga nangangamba,
kalakasan sa mga naglilingkod,
at pag-asa sa mga nasalanta.Sa Iyong salita, Panginoon,
“Pinatatahimik Mo ang unos, at humuhupa ang mga alon.” (Awit 107:29)Sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.
N. Panginoon naming Diyos, ipakita Mo na ang pag-ibig Mong wagas.
B. Kami ay lingapin at sa kahirapan ay Iyong iligtas.Mahal na Birhen ng Santo Rosario, ipanalangin mo kami.
San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.